Inconsistent

Words hard to express are now being expressed...

Monday, May 4, 2009

La-la-la-la-la, la-la-la-la-la- ba dami...!aaaaaa.....




Paglalaba, isang gawaing madalas gawin ng isang babae. Pero sa panahon ngayon, kahit lalaki ay gumagawa rin nito. At dahil babae ako at ako ay marami ng labahan kaya naman ginawa ko ang bagay na pinaka ayaw ko, ang paglalaba. Kung minsan sa buhay natin, hindi talaga maiwasan na .gumawa ng mga bagay na labag sa kalooban mo. Katulad na lang ng ginawa ko alang-alang na lang sa aking pangangailangan. Tama b ako?...
Hindi nga naman biro ang paglalaba. Lakas, tibay ng mga muscle mo sa katawan, tiyaga at marami pang iba ang iyong panlaban sa mga maruruming labahing iyong lalabhan. Kakailanganin mo ng tubig, batya, tabo, brush, tabla sa pagbrush, at higit sa lahat sabon at pampabango pagkatpos ng huling banlaw. Kita niyo, ang dami talaga nating paarte sa paglalaba lang. Pati pala sa paglalaba meron ng pabango. Pinoy talga! Aniways, punta na tayo sa paglalaba, ang unang ginagawa (kung kayo ay ngalalaba) ay ang pagbanlaw ng lahat ng damit bago sabunin. Pagkatpos banlawan ay saka ibabad sa sabon pagkatpos ng ilang minuto ay pwede ng kusutin (diba?!). Matapos ng madibdibang kusutan ay ang kamay sa kamay na banlawan. At pagkatapos ng tatlong banlaw saka na pabanguhan ng gusto mong pabango. At para sa pinakamadali at pinakahihintay na part ng paglalaba ay ang pagsampay sa sampayan. Sa huling bahaging iyon ng iyong gawain ay iyong masasabi sa iyong sarili na isa itong malaking tagumpay! Nariyan ang iyong pasasalamat, paghinga ng tuwid at kasiyahan sa kabila ng sakit at pagod na iyong nararamdaman...Haaaaayy, sa wakas natapos din!
Ang paglalaba ay isang kapamaraanan upang malinis natin ang ating maruruming damit. Alam kong marami pa tayong mga personal na bagay na palagi nating nililinisan upang iwas sa mga bacteria o dumi na maaaring makasira ng ating kalusugan o ating katawan.Marami na nga ngayong mga naiimbentong mga sinasabing makakatulong upang mapuksa ang anumang dumi. Pero marami pa rin din naman ang nagkakasakit at namamatay...Ito nga lang ang pinagtatakahan ko, bakit kaya sobra tayong konsiyos sa ating panlabas na anyo samantalang sa panloob hindi natininiintindi kung minsan?! Kungtatanungin kita, ilang beses mo ba nililinisan ang iyong pagkatao?, ilang beses mo bang labhan ang iyong pagkato?. Oh, baka naman suot ka lang ng suot kahit marumi???
Katulad din ng paglalaba, hindi biro ang paglalaba ng isang sarili mula sa karumihan na kanyang nagagawa o ginagawa. Kakailanganin mo dito ang pagpapakumbaba, pagmamahal, sincerity, at handang loob na magpalinis. Hindi mo na kailangan ng batya, tubig o kahit anumang gamit panglaba dahil sa aking irerekomendang sabon at mga kagamitan ay nakakasiguro akong linis ang iyong pagkatao at forever kang titingkad...
Batid nating lahat na LAHAT tayo ay makasalanan ( cnu indi?! ) o marumi ang damit (pagkatao) kaya naman kailangan nating linisan o labhan kahit papaanu ito upang maganda din namang tingnan. KOrek?! At ang tanging solusyon diyan ay ang paghingi natin ng lahat ng ating kasalanan sa ating Diyos. Kung sa paglalaba ay may unang banlaw sa ating paglalaba ng ating pagkatao naman ay ang paglapit sa Diyos.Kasunod nito ang paghingi ng tawad nga sa lahat ng ating kasalanan at ang pagpapanatili nating malinis sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng Kanyang utos at mamuhay ng ayon sa Kanyang nais...Huwag kang mag-alala kahit mahirap yan, hindi ka naman Niya pababayaan, katulad sa paglalaba matatapos ka rin ng masaya at maluwag sa dibdib kahit nakakapagod at alam mong labag ito sa gusto mo. Basta huwag ka lang maiilang na lumapit sa Kanya katulad ng paglapit ng maruming damit sa batya... Katulad ng batya, handa Siya at naghihintay kung kelan mo gustong magpalaba...Don't wori libre lang magpalaba sa Kanya...
Marami pa sana akong gusto sabihin sa paglalaba ng iyong sarili pero mas maganda siguro kayo na mismo ang tumuklas ng ilang bagay para sa sarili nyong pang-unawa. Basahin nyo na lang ung no 1 best selling book (alam nyo na un), panigurado marami kayong malalaman doon patungkol sa inyong sarili at sa paglalaba ng iyong sarili...
Oh, anu, handa ka nang magpalaba??Oh, bukas na lang...?? Tandaan mo, nasa huli ang pagsisisi...