Inconsistent

Words hard to express are now being expressed...

Tuesday, May 12, 2009

This Is For You...For You Alone...

-Masaya Lang Ako-



Alam kong marami ang nagdadalamhati sa oras na ito dulot ng malulungkot na pangyayari sa kani-knilang buhay. Katulad sa bansang Mexico, marami ngayon ang mga nagdadalamhati dulot ng sakit o virus na swine flu, maging sa ibang bansa na rin na unti-unti na ngang kinakain ng virus. Pero ipagpaumanhin niyo po, dahil hindi ko kayo ngayon majajamingan dahil ako ay masaya ngayon...:)
Bakit nga ba ako masaya ngayon???...HIndi ko rin alam, hindi pala nahihiya lang ako sainyo...(hehehe) Alam ko kasi na kapag malaman niyo ung buong kwento ay pagtatawanan niyo lang ako... Kaya napagpasyahan kong sabihin na lang para hindi ako maging selfish at baka sabihin niyo pang pinabibitin ko kayo...Kaya ito na ang kwento ko sa araw na ito, dito lang yan sa Your Blog, My Blog, now na!
(Dapat detelyado) Alas onse ng umaga o tanghali na at ng ako ay magising dahil na rin sa sikat ng bumbilya dito sa kwarto namin at sa mga maingay na tunog na dulot ng musika na pinapatunog ng aking kapatid at bawat bukas ng aming pintong akalain mo bang parang higante ang bumubukas sa dulot ng ingay. Pagkabangon ko sa aking higaan (siyempre) ay dumiretso na ako sa banyo nagwewe tapos hilamus tapos labas at balik ng kuwarto. Pagpasok ko ng kuwarto at pagkapunas ko ng aking mukha ay naghanda na rin ung mga kasama ko ng aming tanghalian. Pagkatapos kumain ay humarap na ako sa aking buddy si Potpot (ang aking toptop). Binuksan ko ang aking yahoo messenger, matapos ang ilang minuto (papalapit na tayo sa climax!) ay may nagpop - up sa aking Potpot na sobra kong ikinasiya at aaminin ko sainyo medyo mayroong kilig factor na rin...(nnnnnnnnaaakkkkkzzzzzz) Tapos un, gusto niya pala mkipagchat, siyempre tao lang naman ako at kabataan na nakakaramdam ng kilig at pagtibok-tibok ng puso (kuno) kaya nireplayan ko...Nagtataka at naninibago man ako sa mga pakikitungo niya sa akin ay naging masaya na lang ako at ineenjoy ko na lang (walang basagan ng trip). At hangang ngayon habang ginagawa ko ito ay kachat ko siya (oh dba inspired!hahaha). Hayaan niyo na ako ngayon, masaya lang...:) For short kachat ko crush ko....At dito po nagtatapos ang aking kwento...Hangang sa muli...Paalam!