Inconsistent

Words hard to express are now being expressed...

Sunday, May 3, 2009

Hindi Ko Naman Sinasadya...

Hindi ko naman sinasadyang mahulog. Hindi ko lang talga nakita. Hindi, hindi ko lang talaga nakita at napansin. Marahil siguro marami akong naiisip sa oras n yaon o hindi kaya marami akong napapansin sa aking paligid. Meron din kasi akong hinihintay kaso nga lang ang tagal niyang dumating. Nabagot, nainis hanggang hindi ko na kaya. Kaya ayun, umalis na lang ako. Dala-dala ang bigat sa dibdib naglakad ako. At sa paglalakad kong yaon, hindi kita napansin, marahil nung una, at nung ako'y mahulog sayo saka ko napagtantong nahulog n nga ako.
Sobra akong nainis, labis na nanghinayang, nagsisi dahil sa katangahan kong ginawa. Alam kong hindi dapat ako nahulog kung naging maingat lang ako. Alam kong hindi sana ako nahulog kung nakatingin lang ako sa aking dinaraanan. At higit sa lahat hindi ako nahulog kung hindi ako naging tanga...Pasensya na, hindi ko naman sinasadyang mahulog sa isang imburnal...




hindi poh ako ito...

No comments:

Post a Comment